Inter-TODA Basketball Tournament 2017
Published: February 16, 2017 03:52 PM
Umarangkada na ang Inter-TODA Basketball Tournament sa taong ito na sinalihan ng 39 na Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng lungsod.
Binuksan ang torneo sa pamamagitan ng parada ng mga kalahok na TODA nitong ika-10 Pebrero at sinundan naman ito ng maikling programa sa Pag-asa Sports Complex.
Dito ay inanunsiyo ni G. Jessie Buison, Overall President ng TODA na ang mananalo sa torneo ang siyang lalaban sa mga artistang maglalaro sa City Fiesta sa darating na Abril at ang kanilang koponan ay tatawaging “ArtisTODA”.
Kinumpirma rin ito ni Mayor Kokoy Salvador, at sinabi niya sa kanyang mensahe na pagbutihin ng mga TODA player ang kanilang laro at maging sport lang.
Pinaalalahanan din ng Punong Lungsod ang mga manlalaro na iwasan ng mga ito na mapikon at makipag-away.
Aniya, kung may nag-away o nag-umpisa ng gulo ay tatanggalin ang buong team sa naturang tournament.
Dumating din sa programa si City Councilor Roy Andres at nagbigay ng mensahe.
Nang araw ding iyon ay sumabak na sa hard court ang Gracious Shepherd Christian Academy TODA laban sa Sta. Romana TODA, at Villa Marina TODA kontra Driving Force TODA.
Ang Inter-TODA Basketball Tournament ay inorganisa ng City Franchising and Regulatory Office katuwang ang Sports Development Office at Tanggapan ng Punong Lungsod.