News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija




Events Management NC III ng TESDA

Published: July 22, 2021 03:05 PM
Patuloy sa pagbibigay ng oportunidad ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nagnanais makatanggap ng libreng skills training, sa ilalim ng kanilang Training for Work Scholarship Program.

Kalinga sa Nakatatanda

Published: July 12, 2021 11:54 AM
Walumpu at pitong indigent senior citizens sa lungsod ang nahandugan ng tulong mula sa programang �Kalinga sa Nakatatanda� na naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at ilang pribadong indibidwal.

Bagong K-Building ng San Agustin Integrated School

Published: July 12, 2021 11:51 AM
Naging mapagpala ang buwan ng Hulyo para sa Brgy. San Agustin matapos idaos ang pormal na inagurasyon ng bagong K-Building sa San Agustin Integrated School nitong Huwebes, Hulyo 8.

Inspeksiyon ng mga Establisyemento para sa Safety Seal Certification

Published: July 09, 2021 11:42 AM
Sinimulan nang mag-ikot ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang Business Permit and Licensing Office (BPLO), Local Disaster Risk Reduction & Management Office (LDRRMO), City Health Office (CHO), Bureau of Fire Protection (BFP) at PNP para inspeksiyunin ang mga establisimyento sa lungsod kaugnay sa Safety Seal Certification Program ng pamahalaan.

COVID-19 Vaccination Team Meeting (July 2)

Published: July 05, 2021 11:52 AM
Nagpulong nitong umaga, July 2, sa OCM Conference Room ang COVID-19 Vaccination team upang talakayin kung paano mas mapapabuti ang sistema ng pagbabakuna sa lungsod. 



Oryentasyon para sa mga BHERT

Published: June 25, 2021 04:49 PM
Nagpatuloy ngayong araw (June 24) ang "re-orientation" ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng ilang barangay sa lungsod upang mabigyan sila ng dagdag na kaalaman at mas maipaliwanag ang kanilang mga tungkulin bilang kaaagapay ng mga mamamayan sa kanilang komunidad lalo na sa gitna ng pandemya. 

Orientation on DOLE-TUPAD

Published: June 17, 2021 04:38 PM
Matagumpay na ginanap ang oryentasyon ng ikatlong batch na binubuo ng 103 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), nitong Martes, Hunyo 15, sa Brgy Calaocan PAG-ASA Gym.

Eco-tri bike mula sa PRRM

Published: June 08, 2021 03:41 PM
Nakatanggap ng eco tri-bike at timbangan mula sa Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) sa pakikipagtulungan sa The Coca-Cola Foundation ang apat na benepisyaryo mula sa Brgy Abar 1st at Brgy Sto. Ni�o 2nd nitong umaga, Abril 27.  

Pagsasaayos ng Palengke, Sinimulan Na

Published: June 10, 2021 02:37 PM
Nag-inspeksyon nitong umaga, Hunyo 3, si Mayor Kokoy Salvador kasama si OIC Market Administrator Danilo Ariem sa Public Market upang tingnan ang mga kinakailangang ayusin sa imprastraktura ng palengke. 

Ayudang pataba mula sa Department of Agriculture

Published: June 10, 2021 02:34 PM
Muling sinimulan ng City Agriculture Office (CAO) ang pagbibigay ng ayudang pataba mula sa Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasakang benepisyaryo ng lungsod, sa pamamagitan ng programang Fertilizer Voucher Scheme sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP) II, nitong Martes, Hunyo 1.

Blessing at Awarding ng Ambulansiya

Published: June 10, 2021 02:09 PM
Matapos maisaayos ang mga dokumento at mabasbasan ang walong ambulansyang binili ng lokal na pamahalaan gamit ang pondong nakalaan para sa Local Disaster Risk Reduction & Management, pormal nang ibinigay sa mga barangay ng Caanawan, Dizol, Parang Mangga, San Agustin, Sto.Ni�o 3rd, Sto Tomas, Tabulac, at Tulat ang mga sasakyan nitong umaga, Mayo 21. 

DOLE TUPAD

Published: June 10, 2021 02:02 PM
Matapos isagawa ang oryentasyon at paglagda ng kontrata ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Marso 18, tinanggap na ng unang batch ng mga benepisyaryo ang pinansyal na tulong mula sa programa nitong Miyerkules, Mayo 19, sa Brgy Calaocan Gym. 

Reorganized COVID-19 Task Force

Published: June 10, 2021 01:17 PM
Nagpulong nitong hapon, May 12, sa City Hall ang "reorganized COVID-19 Task Force" ng Lokal na Pamahalaan upang pag-usapan ang mga kinakailangang hakbang na makapagpapabilis at makapagsasaayos ng istratehiya ng lungsod sa pagresponde at pamamahala sa mga kaso ng COVID-19 dito. 

Bagong Ambulansiya para sa mga Barangay

Published: June 10, 2021 01:00 PM
Walong ambulansiya ang binili ng Lokal na Pamahalaan mula sa pondong nakalaan para sa Local Disaster Risk Reduction & Management upang ibaba sa mga barangay ng Caanawan, Dizol, Parang Mangga, San Agustin, Sto.Ni�o 3rd, Sto Tomas, Tabulac, at Tulat. 

Pansamantalang pangkabuhayan sa mga nawalan ng trabaho, isinulong

Published: June 10, 2021 12:37 PM
Muling naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanabuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.

DOLE DILEEP Mini-mart and Delivery Services

Published: June 08, 2021 04:07 PM
Naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Lokal na Pamahalaan para sa kuwalipikadong organisasyong Samahan ng Kababaihang Nagkakaisa Tungo sa Pag-unlad (SKNTP) ng Barangay Abar 2nd nitong Huwebes, ika-29 ng Abril.

Libreng X-ray sa Lungsod

Published: June 08, 2021 04:03 PM
Naghandog ng libreng X-ray para sa mga San Josenio ang Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Lokal na Pamahalaan kahapon (April 28) sa Pag-asa Sports Complex, bilang bahagi ng maigting na kampanya kontra COVID-19.

Mas Pinalaking TTMF sa SJC National High School

Published: April 19, 2021 01:57 PM
Mas pinalaki ang COVID-19 Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa San Jose City National High School bilang paghahanda sakali mang tumaas ang bilang ng mga pasyenteng kailangang dalhin at alagaan dito. 

Implementasyon ng COVID-19 Safety Protocols

Published: April 19, 2021 01:10 PM
Nagsanib-pwersa ang mga enforcers ng Public Order & Safety Office, OCM Extension, at Public Market Office sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng safety protocols lalo na sa Pamilihang Bayan at iba pang pang-komersyong lugar sa lungsod.

PhilSys Registration Center sa Lungsod

Published: April 19, 2021 01:10 PM
Pinasinayaan kahapon (Marso 23) ang PhilSys o Philippine National ID Registration Center sa lungsod na matatagpuan sa Guijo Street, Josephine Village, Barangay Calaocan.

Oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng TUPAD mula sa DOLE

Published: April 19, 2021 12:51 PM
Isinagawa ang oryentasyon ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Marso 18 sa PAG-ASA Sports Complex.

Food for Work Program - Porais

Published: April 19, 2021 12:35 PM
Patuloy ang pagdayo ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa iba�t ibang barangay para sa kanilang Food for Work Program.

14 Drug-Cleared Barangay, inilahad sa CADAC Meeting

Published: April 19, 2021 12:32 PM
Inilahad nitong Martes, Marso 16 sa Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) meeting ang 14 na barangay sa lungsod na itinuturing na �drug-cleared�.





Food for Work Program - Tabulac

Published: April 19, 2021 12:22 PM
Dumayo  sa Brgy. Tabulac ang Food for Work program ng City Social Welfare & Development Office nitong umaga, Marso 16.



Disinfection at Paglilinis sa Palengke

Published: April 19, 2021 12:09 PM
Bukod sa lingguhang pagdidisimpekta tuwing Lunes, nagsagawa rin ng paglilinis ng kanal sa Public Market ang maintenance team ng City Engineering Office upang mapigilan ang pagdami ng mga daga at ipis.




Food for Work Program - Sto. Niño 3rd

Published: March 15, 2021 11:56 AM
Nitong Martes, March 10, sa Brgy Sto. Ni�o 3rd naman dumayo ang Food for Work Program ng City Social Welfare & Development Office. 

Seminar Tungkol sa Magna Carta for Women at VAWC para sa mga MIO

Published: March 15, 2021 11:58 AM
Nagsagawa ng seminar tungkol sa Magna Carta of Women (RA 9710) at Violence against Women and their Children (RA 9262) ang City Population Office para sa mga Migration Information Officers (MIO) bilang selebrasyon sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso na may temang: "Juana laban sa pandemya: Kaya!"

Anti-Rabies Vaccination - Villa Floresta

Published: March 15, 2021 12:00 PM
Umakyat sa Brgy. Villa Floresta nitong umaga, Marso 11, ang mga bakunador ng City Vetrinary Office para sa libreng bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa.

COVID-19 Task Force Meeting on Vaccination Plan

Published: March 15, 2021 12:01 PM
Muling nagpulong sa City Hall nitong Miyerkules, Marso 10, ang ilang miyembro ng Local COVID-19 Task Force upang pag-usapan ang COVID-19 master vaccination plan para sa Lungsod San Jose.



Food for Work - Tulat

Published: March 15, 2021 11:46 AM
Nagsagawa ng Food for Work program ang City Social Welfare & Development Office sa Brgy. Tulat kahapon, Marso 9.

Anti-Rabies Vaccination - Manicla

Published: March 15, 2021 11:48 AM
City Veterinary Office in action:Pagbabakuna laban sa rabies sa mga alagang aso at pusa sa Brgy. Manicla.


Oplan Kalinisan in Action (March 9, 2021)

Published: March 15, 2021 11:41 AM
OPLAN Kalinisan in action:Sinuyod ng OPLAN Kalinisan team ang mga lugar ng Curamen, Calaocan, likod ng Sanctuario, at Malasin para sa kanilang paglilinis nitong mga nagdaang araw.