Dog Fashion Show - Pagibang Damara Festival 2022
Published: April 30, 2022 01:00 PM
Nag ala-supermodel ang 59 na aso kasama ang kani-kanilang fur parents (pet owners) sa ginanap na "Dog Fashion Show and Look-Alike Contest" nitong umaga (Abril 30) sa Pag-asa Sports Complex.
Inirampa rito ang kanilang mga cute at creative outfits/costumes, at ipinamalas din ang kanilang mga talento na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood.
Iba't ibang lahi ng aso ang nakilahok gaya ng Shih Tzu, Maltese, Chihuahua, Golden Retriever, Pug, Dachshund, Husky, Poodle, Bullmastiff, Malamute, Chow Chow, Pomeranian, Great Dane, Dalmatian, Aspin, at iba pa.
Kaugnay nito, itinanghal na Fashionista of the Year ang poodle na si Nimbo, alaga ni Ernesto Cabling na parehong naka-Filipiniana costume.
Nakuha rin nila ang Dog and Owner Look-alike Award, pati na ang Best in Gown, at City Vet Choice Award.
Nakamit naman ng chihuahua ni Louie Ramirez na si Faith ang ikalawang puwesto bilang Fashionista of the Year, at ikatlo si Whisky, isang Maltese x Yorkie na alaga ni Rochelle Ann Soria. Nakuha rin ni Whisky ang special award na Most Talented.
Ginawaran din ng special awards ang mga sumusunod na kalahok:
- Best in Casual Wear: Prince (Shih Tzu), alaga ni Arizza Francisco
- Best in Sports: Butchi (Aspin), alaga ni Julieta Valdez
- Best in Fantasy Wear: #23 na alaga ni Nicole Baldevarona
- Most Groomed - Mentos (Pomeranian), alaga ni Cristine Joson
- Streamtech Choice Award - Dalaga (Aspin), alaga ni Rolando Pellicer
Nakatanggap naman ng Free Grooming Voucher mula sa Streamtech ang mga sumusunod:
- Aki (Husky), alaga ni Jonathan Salaysay
- Lhunnah (Golden Retriever), alaga ni Kathleen de Vera
- Mentos (Pomeranian), alaga ni Cristine Joson
Bukod sa mga papremyong natanggap ng mga nanalo, nabigyan din ang lahat ng sumali ng freebies gaya ng dog food at vitamins.
Samantala, tanging mga alagang aso na bakunado kontra rabies lamang ang pinayagang lumahok sa programa.
Naisagawa ang naturang programa sa pangunguna ng City Veterinary Office, at nagsilbing hurado naman sa patimpalak sina Dr. Joey Tariga, Dr. Ludring Santiago, at Rowena Tongol.
#PagibangDamaraFestival2022