Iba’t ibang PPE mula sa Zuellig Family Foundation (ZFF)
Published: March 03, 2022 10:05 AM
Nakatanggap ng 11 kahon na naglalaman ng iba’t ibang personal protective equipment o PPE ang Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) mula sa Zuellig Family Foundation (ZFF).
Ipinadala sa lungsod ang mga kahon-kahong PPE na naglalaman ng face masks, surgical mask, gloves, at PPE coveralls/suit sa pamamagitan ng City Population Office.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si City Population Officer Nathaniel Vergara ang pormal na paggawad ng mga PPE sa Chief of Hospital ng OLSJ na si Dr. Imelda Cornel, kasama ang iba pang kawani ng ospital sa OCM Conference Hall nitong Lunes (Pebrero 28).
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng OLSJ at ng buong lokal na pamahalaan sa ibinigay na donasyon ng ZFF.
Ang nasabing organisasyon ay katuwang din sa pangangasiwa at implementasyon ng The Challenge Initiative (TCI) sa lungsod upang tugunan ang dumaraming bilang ng teenage pregnancies o maagang pagbubuntis.