San Jose City Color Run - Pagibang Damara Festival 2022
Published: April 29, 2022 01:26 PM
Naging makulay ang umaga sa Lungsod San Jose sa ginanap na Color Run ngayong araw, Abril 29 na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Mahigit 3,000 katao ang nakisaya sa aktibidad na ito, kasama ang pamilya ni Mayor Kokoy Salvador.
Bago ang pagtakbo, nag-Zumba muna ang mga kalahok bilang warm-up saka nila tinahak ang Maharlika Highway at tumungo sa mga kalye ng Escobar, Sanchez, Rizal, A.O. Pascual, Bonifacio, Cervantes, at Cardenas hanggang makabalik sa City Social Circle.
Isinagawa rito ang programa at paggawad ng parangal sa mga nanalong 3 colorful barkada, 3 colorful couples, 3 colorful male, at 3 colorful female.
Labis naman ang kagalakan ng lahat ng sumali, lalo na ang mga kabataan na nasabik sa naturang aktibidad.
#PagibangDamaraFestival2022