Bagong Office of the Senior Citizens Affairs Office (OSCA)
Published: February 28, 2022 01:40 PM
Pormal na pinasinayaan ang bagong Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) nitong Biyernes, Pebrero 25, sa Brgy F. E. Marcos.
Abril ng taong 2021 nang lumipat ang OSCA mula sa City Health compound at gawing opisina ang dating bulwagan ng nasabing barangay.
Bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga senior, itinayo ang OSCA Multi-Purpose Hall sa tabi ng bulwagan.
Siniguro naman ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga senior citizen.
Para sa mga nais magparehistrong senior citizen o nais mag-apply ng senior citizen ID, maaari nang i-download ang form sa San Jose City website sa link na ito.