News »


Ika-54 POWAS sa Lungsod, Pinasinayaan sa Tayabo

Published: December 24, 2021 01:48 PM



Isa na namang bagong Potable Water System (POWAS) ang makapagbibigay ng malinis na tubig sa mga mamamayan sa liblib na komunidad. 

Nitong Disyembre 23, pormal na pinasinayaan sa Brgy. Tayabo ang ika-54 na POWAS sa lungsod, kasabay ng panunumpa ng kanilang Lupon ng Katiwala. 

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang aktibidad kasama ang ilang opisyal ng Sangguniang Panlungsod.

Galing sa Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ang isandaang porsyento ng pondo sa pagpapatayo ng POWAS, na layuning makapagbigay ng malinis na supply na tubig lalo na sa malalayong lugar.

Payo ng Punong Lungsod sa mga residente na pag-ingatan ang POWAS dahil mapakikinabangan nila ito ng mahabang panahon.

Dagdag pa niya, hangad din ng proyekto ang “people empowerment” sapagkat kapag naitayo na ito, mga member-consumer na ang mamamahala sa pagpapatakbo at pagmementina nito.

Siniguro naman ni J. E. Dizon ng Sanitation Division, City Health Office, ang pagiging malinis at ligtas-inumin ng tubig na galing sa POWAS.