Senior Citizen's Night - Pagibang Damara Festival 2022
Published: April 29, 2022 10:00 AM
Tunay ngang “young at heart” pa rin ang humigit-kumulang 1,200 lolo at lola sa lungsod na aktibong nakiisa sa ginanap na Senior Citizens’ Night kagabi (April 28) sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2022.
Mas pinasigla pa ang gabi ng Rod Palaganas Orchestra sa kanilang mga tugtugin at awitin, kaya naman hindi nagpahuli sa paghataw sa dance floor ang mga dumalo.
Hinarana rin ni Gng. Francisca Dasalla mula sa Porais ang mga kasamahan, at naghandog naman ng pampasiglang bilang na kinagiliwan ng lahat ang ilang barangay kabilang ang Dizol, Sto. Tomas at FE Marcos.
Bukod dito, kinilala rin ang mga sumusunod na 10 Outstanding Senior Citizen Presidents mula sa iba’t ibang barangay para sa kanilang di-matatawarang paggampan sa tungkulin:
1. Rosalina Salvador - Malasin (USC)
2. Rodolfo Saflaco - Sto. Niño 1st (USC)
3. Ireneo Hizon - FE Marcos (USC)
4. Gloria Rivera - Palestina (USC)
5. Gregorio Dasalla - Porais (USC)
6. Marcelo Tabelina - Sto. Tomas (USC)
7. George Sebastian - Manicla (USC)
8. Esmeralda Agat - Sto. Tomas (MKS)
9. Armando Bautista - Tayabo (MKS)
10. Herminigilda Gatchalian - Sto. Niño 3rd (MKS)
Hindi naman pinalagpas ni Mayor Kokoy Salvador ang pagkakataon na makasalamuha at makasayaw ang mga senior citizen sa unang okasyon na nagsama-sama ang mga ito mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Masayang naisagawa ang programa sa pangunguna ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pamumuno ni OSCA Chairman Cornelio T. Catalan Sr.
#PagibangDamaraFestival2022