Provincial Top Performer (City Category) - Manila Bay 2021 Regional LGU Compliance Assessment
Published: March 24, 2022 10:46 AM
Tinanggap ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kahapon, Marso 23 ang parangal para sa Lungsod San Jose bilang Provincial Top Performer (City Category) sa Manila Bay 2021 Regional LGU Compliance Assessment under Manila Bay Clean up, Rehabilitation, and Preservation Program.
Kasama ni Mayor Kokoy sina City Environment and Natural Resources Office (CENRO) OIC Marites Pangilinan at San Jose City DILG Director Elria Hermogino na tumanggap ng MANILA BAYani Award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region III sa City of San Fernando, Pampanga.
Pinarangalan din si Hermogino para sa kaniyang hindi matatawarang suporta at paggabay sa lokal ng pamahalaan sa naturang programa.