Financial Assistance for Master's Thesis Writing Program
Published: December 29, 2021 01:50 PM
Ipinagkaloob nitong umaga, Diseymbre 28, ang tig-sampung libong pisong financial assistance para sa pitong benepisyaryo ng Master’s Thesis Writing Program ng Lokal na Pamahalaan.
Sa bisa ng City Ordinance No. 20-009, layunin ng programang ito na mahikayat ang mga kwalipikadong benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang mas malinang ang kanilang kaalaman at lalo silang humusay sa kanilang propesyon.
Ginanap ang aktibidad sa OCM Conference Room sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang ilang kawani ng City Treasurer's Office at City Human Resources Management Office.