News »


Ten Outstanding Women ng Lungsod San Jose, pinarangalan

Published: March 23, 2022 09:19 AM



Kinilala ang 10 natatanging kababaihan sa lungsod sa ginanap na Ten Outstanding Women of San Jose City Awards Nights nitong Marso 22 sa Sunway Resort, Palestina.

Kabilang sa mga pinarangalan kagabi sa iba’t ibang larangan ang mga sumusunod:
1. Agriculture: Dr. Danilda Hufana-Duran
2. Business:  May B. Doculan
3. Education: Dr. Sheralyn M. Allas, LPT, RGC
4. Public Service: Marween Terry E. Pascual
5. Community Development: Dr. Ma. Theresa DV. Vizcarra
6. Labor and Works: Sofia Andrea R. Agliam, OTRP
7. Arts and Sports: Marjorie S. Velasco, MPA
8. Health: Dr. Mikee Fiel V. Soriano
9. Small and Medium Entrepreneurship: Eleanor C. Cortez
10. Law: Hon. Cholita C. Balbin-Santos

Napili ang mga nabanggit na Ten Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan at kinilala batay sa kanilang naging serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob.

Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama si Konsehala Patrixie Salvador ang paggawad ng parangal at papremyo sa mga nagwagi.

Ipinahayag din ni Mayor Kokoy ang pagbati at pagpupugay sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Aniya, marapat lamang na sila ay iangat at huwag hayaang ibaba ang pagtingin sa kanila. 

Nagbigay rin ng kanilang pagbati sina Konsehala Patrixie at G. Celestino Pobre na nagsilbing tagapangulo at ikawalang tagapangulo ng lupon ng mga hurado. 
 
Idinaos ang programang Ten Outstanding Women of San Jose City ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Lungsod at Tanggapan ng Pantauhang Panlungsod bilang pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso na may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”.

Inilunsad ang nasabing programa noong 2019 subalit nahinto sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.