City Population Office, Humakot ng Parangal
Published: December 16, 2021 11:08 AM
Pinarangalan ng Commission on Population and Development (PopCom) Region III ang San Jose City Population Office ng Best Adolescent Health and Development Program, Best Responsible Parenthood and Family Planning Program, at Best PopDev Program.
Tinanggap ni City Population Officer Nathaniel Vergara, kasama ang ilang kawani ng City Population Office ang mga parangal nitong Disyembre 15 sa City of San Fernando, Pampanga.
Ginawaran din ang Lungsod San Jose ng "The Outstanding Population Structure (City Level) in Region 3" bilang pagkilala sa mahusay na pagganap at pagsasagawa ng mga programa ng Philippine Population and Development.
Lubos naman ang pasasalamat ng City Population Office sa walang sawang suporta ni Mayor Kokoy Salvador at ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang mga programa, pati na sa Teen Information Center, Migration Information Officers (MIO), partner agencies, at iba pang stakeholders.