News »


Gabi ng Kabataan - Pagiban Damara Festival 2022

Published: May 03, 2022 10:12 AM



Nagpakitang gilas sa Street Dance Showdown ang ilang kabataan sa ginanap na Gabi ng Kabataan o SK Night nitong Abril 29 sa Pag-asa Sports Complex. 

Kaugnay nito, nagkampeon ang grupong Recreate, at nakuha naman ng Xtremovers ang ikalawang puwesto pati na ang Streamtech People’s Choice Award. 

Ikatlo naman ang Reborn, sumunod ang Connection Ph, at Team Rocket.

Dumalo sa programa at nagpahayag ng pagbati sa mga kabataan si Punong Lungsod Kokoy Salvador at ilang konsehal ng lungsod.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe at pasasalamat si Pambansang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan (PPSK) President Joseph Aquino sa laging pag-agapay at suporta sa mga kabataan ni Mayor Kokoy at ng buong lokal na pamahalaan.

#PagibangDamaraFestival2022