Progressive Expansion of Face to Face Classes - Phase 1
Published: February 21, 2022 02:00 AM | Updated: February 23, 2022 02:47 PM
Inilunsad ngayong umaga, Pebrero 21, ang muling pagbubukas ng "face to face classes" sa dalawampu't limang pampublikong paaralan sa Lungsod San Jose.
Dumalo si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa isang programang ginanap sa San Jose West Central School na dinaluhan ng mga limitadong bilang ng mga mag-aaral.
Sa Phase 1 ng "Progressive Expansion of Face to Face Classes", sampung porsiyento lamang ng mga mag-aaral ang papasok sa mga paaralan.
Lahat ng mga gurong magtuturo sa Face to Face Classes ay fully vaccinated.
Nananawagan din si Mayor Kokoy sa mga magulang na pabakunahan na laban sa COVID-19 ang kanilang mga anak na may edad lima hanggang labing-isang taong gulang.
Base sa pag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan, ligtas ang bakuna at nagbibigay ito ng proteksyon sa komplikasyon na dulot ng COVID-19.
Sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Joanna Gervacio, nakatutok ngayong araw ang DepEd Division Office sa lahat ng paaralang nagbukas para sa Face to Face Classes.