News »


Groundbreaking ng Integrated School sa Brgy. Tabulac

Published: March 03, 2022 10:12 AM



Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama si City Architect Quirino delos Santos at mga kinatawan ng City Engineering Office ang ginanap na groundbreaking kahapon (Marso 2) para sa integrated high school sa Brgy. Tabulac. 

Nakalinya sa mga proyektong imprastraktura ngayong taong 2022 ang mga K-building para sa integrated high schools na itatayo sa mga barangay ng Kaliwanagan, San Agustin, Tabulac, Kita-Kita, at Sto. Niņo 3rd (Saranay). 

Ayon kay Mayor Kokoy, ito ay suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon. 

Sa isang nakalipas na panayam, nabanggit ng Punong Lungsod na ayon sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay maraming estudyante ang hindi nakapagtatapos ng high school dahil sa pinansiyal na katayuan ng kanilang pamilya.  

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng integrated high schools sa malalayong barangay, inilalapit ang pasilidad ng edukasyon sa mga estudyante upang hindi na nila kailangang gumastos ng pang-araw-araw na pamasahe para lamang makapasok sa paaralan. 

Nitong nakaraang buwan ay nauna nang ginanap ang groundbreaking ng integrated high schools sa Brgy San Agustin at Bgy Kaliwanagan.