Mr. and Ms. San Jose Pre-pageant Night
Published: April 24, 2022 02:15 PM
Naggagandahang kasuotan na sumasalamin sa kultura ng iba't ibang lugar sa Pilipinas ang inirampa ng mga kandidato para sa Mr. & Miss San Jose City 2022 sa preliminary competition na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex nitong Sabado, Abril 23.
Matapos ipamalas ang kanilang makukulay at malikhaing National Costume, sumunod na ipinakita ng mga kandidato ang kanilang kagandahan sa Fashion Beach Wear. Sinundan ito ng pagrampa ng mga lalaking kandidato suot ang kanilang Smart Casual Wear at Glam Casual Wear naman sa mga kababaihan.
Nagsilbing tagapangulo ng mga hurado si Erjohn Dela Serna, ang may likha ng itinanghal na Best National Costume sa Bb. Pilipinas 2021.
Ihahayag ang nanalo ng Best in National Costume award sa coronation night na gaganapin din sa PAG-ASA Gym sa May 1.
Narito ang mga kandidatong nag-uwi ng special awards:
Mr. #12 Justine Manganan (Brgy. F. E. Marcos) – Best in Fashion Beach Wear, Best in Smart Casual Wear
Mr. # 4 Ivan Sibay (Brgy. Calaocan) – Best in James Dean Photoshoot
Miss #7 Kristel Uy (Brgy. Calaocan) – Best in Fashion Beach Wear
Miss #8 Maria Christine Jimenez (Brgy. Abar 1st) – Best in Glam Casual Wear
Miss #4 Andrea Ondivilla (Brgy. Sto. Niño 2nd) – Best in Euphoria Photoshoot
Binigyan naman corporate awards ng ilang sponsors ang mga sumusunod:
Inspirational Youth Model Award (from CORE Gateway College Alumni Association, Inc.) – Mr. #4 Ivan Sibay, Miss #3 Jennifer Ortiz (Brgy. Tayabo)
Charming Personality Award (from Mr. Elmer Espiritu of PICPA) – Mr. #5 Jefford Lalantacon (Brgy. Sto. Tomas), Miss #5 Princes Lazaga (Brgy. Sibut)
Mr & Miss Celestine Fashion Boutiqe – Mr. #12 Manganan, Miss #7 Uy
Mr & Miss ZeRee’s Electronics – Mr. #12 Manganan, Miss #7 Uy