News »


Libreng Assistive Devices para sa PWDs

Published: February 23, 2022 12:36 PM



Patuloy ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng libreng assistive devices gaya ng saklay, tungkod, wheelchair, artificial legs, arm at leg braces para sa mga PWD.

Dalawampu't dalawang (22) PWD ang benepisyaryong nabigyan ng assistive devices sa isinagawang programa sa PDAO nitong Pebrero 17-18.

Pinangunahan nina Punong Lungsod Kokoy Salvador at Disability Officer II Christian Nicolas ng PDAO, kasama si Konsehal Ali Salvador ang pamimigay ng artificial legs sa 16 na PWD, dalawang wheelchair, isang tungkod, at tatlong saklay.

Bahagi ito ng proyekto ng PDAO para makatutulong na mapadali ang pamumuhay ng mga may kapansanan. 

Ayon kay Mayor Kokoy, patuloy na tutulungan at susuportahan ng Lokal na pamahalaan ang mga programa para sa sektor ng PWD. 

Kasama ring nagbigay ng tulong para sa libreng artificial legs ang Malasakit Center ng lalawigan.