News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija





Chorale Competition - Semi-Finals

Published: November 30, 2023 05:19 PM
Kinilala na ang apat na high school na magtatagisan ng galing sa Chorale Competition Grand Finals sa Disyembre 5, kabilang ang Caanawan National High School, San Jose City National High School, Sto. Niño 3rd National High School, at Tondod High School.



Dalawang bagong K Building, itatayo sa Tayabo

Published: November 29, 2023 01:40 PM
Sa pagpapatuloy ng mga proyektong pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan, nagsagawa ng groundbreaking ceremony nitong Martes, Nobyembre 28 para sa tig-isang K building na itatayo sa Tayabo National High School at Tayabo Elementary School.


SFW Luncheon and Post-Program Evaluation

Published: November 24, 2023 03:04 PM
Nagtipon-tipon ang mga Seasonal Farm Worker (SFW) kasama si Mayor Kokoy Salvador kahapon (Nobyembre 23) sa Tayabo Nature’s Park para sa inorganisang Luncheon at Post-Program Evaluation ng Public Employment Service Office (PESO).



Chorale Competition - 3rd Elimination Round

Published: November 23, 2023 05:07 PM
Pasok na sa semi-finals ng Choral Competition ang San Jose West Central at Encarnacion Elementary School matapos silang magwagi sa elimination round ng ikatlong cluster ng mga paaralan nitong Martes ng gabi (Nobyembre 21).


Book Character Parade

Published: November 23, 2023 01:59 PM
Bumida sa Book Character Parade ang mga mag-aaral na gumanap ng iba’t ibang karakter sa Bibliya katulad nina Jesus Christ, Virgin Mary, David, Goliath, Noah, Roman guard, Archangel Michael, Moses, at iba pa.


Kuwentuhan sa Kegkeg

Published: November 21, 2023 11:50 AM
Matapos ang matagumpay na "Kwentuhan sa Keg-Keg, Tara na!" noong Nobyembre 13 kasama si Vice Mayor Ali Salvador, muling nagdaos ang Panlungsod na Aklatan o City Library ng naturang aktibidad kahapon (Nobyembre 20) para sa selebrasyon ng 33rd Library & Information Services Month at 89th National Book Week na may temang “Read, ReRead, and Relive!”


Pagtatapos ng Linggo ng Kabataan

Published: November 20, 2023 04:48 PM
Bilang culminating activity sa kanilang huling araw ng panunungkulan, nagkaroon ng Symposium on Drug Prevention & Control para sa “Little City Officials” nitong Biyernes, Nobyembre 17 sa City Hall.


Choral Competition - 2nd Elimination Round

Published: November 20, 2023 01:34 PM
Muling natunghayan ang galing sa pagkanta ng mga mag-aaral sa elementarya nitong Biyernes ng gabi (Nobyembre 17) para sa pagpapatuloy ng Choral Competition elimination round.



Special Session of Little City Officials

Published: November 17, 2023 08:00 AM
Binansagan mang ‘Little City Officials’, hindi maliit kundi malaki ang naging ambag ng mga student leader mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na naging bahagi ng Linggo ng Kabataan 2023.


Groundbreaking - Grand Stand and K Buildings

Published: November 16, 2023 04:44 PM
Isang grandstand ang itatayo sa San Jose City National High School (SJCNHS) at dalawang palapag na gusaling pampaaralan naman sa Tulat Elementary School (TES) matapos isagawa ang groundbreaking ceremony nito kaninang umaga (Nobyembre 16).



Linggo ng Kabataan 2023

Published: November 13, 2023 03:00 PM
Simula na ngayong araw (Nobyembre 13) ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2023 sa lungsod kung saan pormal na ipinakilala ang mga Little City Official at Little Head of Offices, kasabay ng programa para sa pagtataas ng watawat sa City Social Circle nitong umaga.


Pailaw sa Lungsod San Jose 2023

Published: November 10, 2023 06:20 PM
Maligaya at maagang Pasko mula sa Lungsod San Jose, ang Christmas capital ng Nueva Ecija!


Mga Tsikiting, Bumida sa Children's Congress

Published: November 10, 2023 04:30 PM
Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang Day Care Center (DCC) sa lungsod sa ginanap na Children’s Congress ngayong araw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Children’s Month ngayong Nobyembre na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All!”


IP Day Celebration

Published: November 10, 2023 12:34 PM
Ipinagdiwang ang kauna-unahang Indigenous Peoples (IP) Day sa Lungsod San Jose kahapon (Nobyembre 9) kung saan nagtipon-tipon ang iba’t ibang tribu rito gaya ng bago, ibaloi, kankanaey, sinai, tinguian, at iba pa.



The Challenge Initiative (TCI) Global and Philippines

Published: November 08, 2023 05:32 PM
Bumisita sa Lungsod San Jose ang mga delegado ng The Challenge Initiative (TCI) Global and Philippines nitong Martes (Nobyembre 7) para makita nang aktuwal ang pagpapatupad ng nasabing plataporma na naglalayong paigtingin ang Family Planning (FP) at Adolescent and Youth Sexual and Reproductive Health (AYSRH) interventions.



OLSJ Annex Building Groundbreaking Ceremony

Published: October 25, 2023 08:46 AM
Nakatakdang itayo ang karagdagang gusali para sa Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) matapos isagawa kahapon (Oktubre 24) ang groundbreaking ceremony para sa proyektong ito.



Lokal na Pamahalaan, Pinarangalan

Published: October 20, 2023 03:53 PM
Pinarangalan ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kahapon (Oktubre 19) bilang pagkilala sa suporta nito para maitatag ang kauna-unahang rehistradong Credit Surety Fund Cooperative sa Gitnang Luzon.




K Building - Sto. Ni�o 2nd ES

Published: October 19, 2023 01:14 PM
Magkakaroon din ng bagong K building ang Sto. Niño 2nd Elementary School matapos idaos kahapon (Oktubre 18) ang groundbreaking ceremony ng nasabing proyekto roon.


Pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Filipino Week)

Published: October 18, 2023 01:44 PM
Isang araw ng kasiyahan, sayawan, at salo-salo ang idinaos kahapon (Oktubre 17) para sa mga senior citizen sa lungsod bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Filipino Week) na may tema ngayong taon na: "Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens".


Bagong K Building, Itatayo sa Ciriaco Estebas ES

Published: October 17, 2023 06:00 PM
Isang bagong dalawang palapag na gusaling pampaaralan ang itatayo sa Ciriaco Esteban Elementary School (ES) sa Sto. Niño 1st matapos isagawa rito nitong umaga (Oktubre 17) ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto.


Potable Water System (POWAS) - Zone 1, Caanawan

Published: October 17, 2023 04:00 PM
Pormal na pinasinayaan ang Potable Water System (POWAS) kamakailan sa Zone 1, Brgy. Caanawan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.


National Cooperative Month 2023 Celebration

Published: October 17, 2023 01:50 PM
Ginawaran ang Simula ng Panibangong Bukas Multi-Purpose Cooperative (SIPBU MPC) ng PHP600,000.00 para sa kanilang proyektong Enhancement of the Village Level Dairy Processing Center na matatagpuan sa Brgy. Porais.


Ivan Aikon Ignacio

Published: October 16, 2023 04:19 PM
Muling kinilala ng lokal na pamahalaan si Ivan Aikon Ignacio matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa kauna-unahang edisyon ng Mister Cosmopolitan 2023 na idinaos nitong Oktubre 8.


Kauna-unahang Hybrid Rice Derby sa lungsod, ibinida

Published: October 11, 2023 11:42 AM
Ipinakita sa publiko kahapon (Oktubre 10) ng City Agriculture Office (CAO) ang naging bunga ng kauna-unahang Hybrid Rice Derby sa lungsod na matatagpuan sa Brgy. Sinipit Bubon.


Eleksiyon ng Little City Officials, isinagawa

Published: October 07, 2023 04:43 PM
Nagtipon-tipon ngayong araw (Nobyembre 7) sa munisipyo ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan para sa halalan ng mga uupong Little City Official sa Linggo ng Kabataan 2023.


Pagkilala - Barangay Population Volunteer

Published: October 02, 2023 03:59 PM
Kinilala ang Barangay Population Volunteer (BPV) ng lungsod na si Perpetua Manaois ng Barangay Porais matapos niyang makamit ang ikalawang puwesto sa ginanap na Regional Search for Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award (RMSKPA).


World Rabies Day

Published: September 29, 2023 06:00 PM
Kaisa ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng World Rabies Day kahapon, Setyembre 28 na may temang “Rabies: All for 1, One Health for All.”


SEAP Awards Night

Published: September 29, 2023 03:48 PM
Kinilala ang mga natatanging lingkod bayan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kagabi (Setyembre 28) sa ginanap na Service Excellence Award Program (SEAP) Awards Night sa Hotel Francesko.


Balagtasan at Talastasan

Published: September 28, 2023 02:28 PM
Buhay na buhay ang Wikang Filipino sa ginanap na Balagtasan at Talastasan kahapon (Setyembre 27) na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Junior High School ng limang pribadong paaralan sa lungsod.



Inagurasyon ng POWAS Phase 7 sa Brgy. Tayabo

Published: September 21, 2023 05:41 PM
Pormal na pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pampitong Potable Water System (POWAS) sa Zone 4, Brgy. Tayabo ngayong araw (Setyembre 21).


K Outreach sa Brgy. Calaocan

Published: September 14, 2023 03:59 PM
Muling umarangkada ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ngayong araw (Setyembre 14), kung saan nahatiran ng mga tulong at iba't ibang libreng serbisyo ang mga taga-Calaocan.


DOLE, muling nagbaba ng tulong pangkabuhayan sa lungsod

Published: September 14, 2023 02:15 PM
May pagkakakitaan na ang walong San Josenio mula sa Barangay A. Pascual, Abar 1st, Calaocan, C. Sanchez, at F.E. Marcos matapos nilang tanggapin ang iba�t ibang tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong ika-12 ng Setyembre.


Buwanang Pulong ng Association of Disaster Resilience Officers of Nueva Ecija (ADRONE), Idinaos sa Lungsod

Published: September 13, 2023 03:33 PM
Idinaos ang buwanang pulong ng Association of Disaster Resilience Officers of Nueva Ecija (ADRONE), Inc. sa Lungsod San Jose nitong Martes (Setyembre 12), kung saan naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. Anna Patricia Pineda, Office of Civil Defense Regional Director (OCD3) at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Chairperson.


SPES Payout

Published: September 13, 2023 01:10 PM
Natanggap na ng 164 na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES ang kanilang suweldo kahapon (Setyembre 12) matapos magtrabaho ng 20 araw sa iba�t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya at pribadong kompanya.


K Outreach sa Sto. Ni�o 3rd

Published: September 12, 2023 05:00 PM
Dalawang barangay ang bibisitahin ng K Outreach Program sa linggong ito. Ngayong Martes, ibinaba ang mga tulong at libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Sto. Ni�o 3rd at sa Huwebes naman ay sa Brgy. Calaocan.


LGU Sportsfest 2023 Opening

Published: September 12, 2023 02:32 PM
Opisyal nang sinimulan ang taunang LGU Sportsfest kahapon (Setyembre 11), kung saan magtutunggali ang limang koponan na binubuo ng 42 opisina ng lokal na pamahalaan.



Inter-Barangay Basketball League Championship

Published: September 11, 2023 04:08 PM
Pinataob ng koponan ng Abar 1st ang Sto. Ni�o 2nd sa championship game ng Inter-Barangay Basketball League (22 Under) nitong ika-7 ng Setyembre sa Pag-asa Sports Complex.


LGU Fun Ride Cycling Activity 2023

Published: September 11, 2023 01:17 PM
Bukang liwayway pa lang nitong Biyernes ay nagtipon-tipon na sa City Social Circle ang mga cycling enthusiast na kawani ng lokal na pamahalaan at sama-samang umarangkada para sa Fun Ride Cycling.