Day Care Parents Cook Fest
Published: July 26, 2024 04:01 PM
Masama man ang lagay ng panahon, hindi nagpatinang ang mga Day Care parent sa Cook Fest kahapon, Hulyo 25 na inorganisa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) katuwang ang City Nutrition Office (CNO) para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon.
Bukod dito, rumampa rin ang mga muse at escort ng 61 Day Care Center (DCC) sa lungsod na may suot na palamuti sa ulo gamit ang iba't ibang prutas at gulay.
Idinaos ang programa sa Kambal Pag-asa, Brgy. Sto. Niño 1st na dinaluhan naman nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal.
Pumatok sa panlasa ng mga hurado at nanalo ng unang puwesto sa Cook Fest - Meat Category ang inihandang Healthy Pork Hardinera ng Canuto Ramos DCC, pumangalawa ang Chicken ala Quail ng Kaliwanangan, at pangatlo ang Pork Cordon Bleu ng Crisanto Sanchez.
Sa Vegetable category, nanguna naman ang Sandoricum Koetjape (Santol) ng R. Eugenio DCC, sumunod ang Squash Nuggets ng St. Cecilia, at Saluyot Burger Steak ng Josephine Village Day Care Center.
Kasabay ng naturang programa, nanumpa rin sa katungkulan ang Day Care Parents Federation Officers kung saan magsisilbing pangulo si Michelle Carreon ng San Reymundo Child Development Center.