LGU Sportsfest Opening
Published: August 28, 2024 04:49 PM
Opisyal nang binuksan ang LGU Sportsfest 2024 nitong ika-22 ng Agosto, kung saan magtutunggali sa iba't ibang isports ang mga kawani ng lokal na pamahalan na hinati sa Yellow, Green, Blue, Black, at White Team.
Inumpisahan ang programa ng parada mula City Social Circle patungong Pag-asa Sports Complex at doon ginanap ang opening ceremony.
Tampok dito ang Mr. & Ms. Sportsfest kung saan nanguna ang pambato ng Blue Team na sina Marvin Lacsa at Marife Vicente, habang nagkampeon naman ang Green Team sa Zumba Competition.
Samantala, nagharap sa unang laro sa basketball at women's volleyball ang koponan ng Blue at Green.
Bukod sa mga naturang isports, magtutunggali rin ang limang koponan sa bowling, badminton, table tennis, at chess.
Inaasahang magtatagal ang LGU Sportsfest hanggang Setyembre 26. Idinadaos ito bilang pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil o Philippine Civil Service Anniversary tuwing Setyembre.