Panlalawigang Araw ng Mga Kawani ng Nueva Ecija
Published: September 12, 2024 12:13 PM
PANLALAWIGANG ARAW NG MGA KAWANI NG NUEVA ECIJA
Nagtipon-tipon ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ng Civil Service Commission (CSC) para sa Ikaanim na Panlalawigang Araw ng mga Kawani ng Nueva Ecija nitong Setyembre 6 sa Robinsons Gapan.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pakikiisa ng lalawigan sa pagdiriwang ng ika-124 na Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas.
Tampok dito ang Indak Kawani - Philippine Festival Dance Competition kung saan nagkampeon ang grupo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.
Nasungkit din ng pambato ng lungsod na si Mary Jane Novelo mula sa DepEd ang unang puwesto sa Birit Bayani - Vocal Solo Competition.
Bukod dito, nagkaroon pa ng pa-raffle ng bigas, cellphone, at TV para sa mga dumalo sa programa.