Mahigit 2,000 aso’t pusa, bakunado na kontra rabies
Published: February 22, 2024 04:38 PM
Umabot na sa 2,299 na aso at pusa ang nabakunahan kontra rabies ng City Veterinary Office, matapos itong magsagawa ng mass vaccination sa iba't ibang barangay simula nitong Pebrero 13.
Nitong Martes (Pebrero 20), nag-ikot ang mga kawani ng nasabing opisina sa Brgy. San Juan kung saan nakapagbakuna sila ng 179, habang 649 naman ang nabakunahan sa Brgy. Sibut kahapon at ngayong araw.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa Sibut hanggang bukas, at aasahan naman ang pagtungo ng CVO sa iba pang barangay sa mga susunod na linggo.
Bukod dito, nagsasagawa rin ng pagbabakuna kontra rabies sa mga K Outreach program ng lokal na pamahalaan.
Panawagan sa mga may alagang aso o pusa, tiyaking may bakuna ang mga ito taon-taon para maprotektahan at maiwasan ang nakamamatay na rabies.