K Outreach sa Brgy. Tondod
Published: June 21, 2024 06:00 PM
Binisita ng K Outreach Program ang mga taga-Brgy. Tondod ngayong araw, Hunyo 21 para hatiran sila ng iba't ibang tulong at libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang iba pang ahensiya at miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Dinala rin doon ang bagong ambulansiya na lubhang ipinagpasalamat ni Punong Barangay Danilo Valenton.
Bukod sa mga karaniwang serbisyong medikal at gamot na inihahandog sa mga residente, may libreng pneumonia vaccine din ang mga senior citizen.
Susunod namang dadalawin ng K Outreach ang Brgy. Calaocan sa Hunyo 25.