News »


SPES Orientation

Published: May 29, 2024 04:11 PM



Sumalang sa oryentasyon ang 106 na kabataang natanggap sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw, Mayo 29 sa Learning and Development Room sa munisipyo.

Ang SPES ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga kabataan habang bakasyon para makatulong sa kanilang pag-aaral.

Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), inaasahang idi-deploy ang mga benepisyaryo ng SPES sa iba't ibang opisina o ahensiya ng gobyerno sa lungsod sa Hunyo 10 at magtatrabaho sila sa loob ng 20 araw.

Ibinalita rin dito ni Labor and Employment Officer III Estrella De Lara ng DOLE Provincial Office ang pagtaas ng suweldo ng mga kasali sa SPES ngayong taon at sasahod sila ng P531.82 kada araw.

Magmumula sa pondo ng DOLE ang 40% ng kanilang suweldo at 60% naman ang sasagutin ng lokal na pamahalaan.

Dumaan sa masusing screening process ang mahigit 600 na nag-apply sa SPES, kabilang ang interview at exam upang masala ang mga kuwalipikadong benepisyaryo sa naturang programa.