News »


Alis Rabies, Alis Galis, at Aso o Pusa Mo, Ipakapon Mo

Published: August 16, 2024 04:34 PM



Naghandog ng libreng serbisyo na "Alis Rabies, Alis Galis, at Aso/Pusa Mo, Ipakapon Mo" ang City Veterinary Office nitong Agosto 6-9 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-55 Araw ng Lungsod San Jose.

Batay sa talaan ng naturang opisina, nabigyan ng anti-rabies ang 49 na alagang aso at pusa at 33 naman ang nakapon.