News »


Mga Bagong Ambulansiya at Water Tanker

Published: August 12, 2024 01:59 PM



Isang magandang regalo ang natanggap ng limang barangay sa lungsod nitong Agosto 10, kasabay ng pagdiriwang ng ika-55 Araw ng Lungsod San Jose.

Iginawad ang mga bagong ambulansiya sa Barangay R. Rueda Sr., FE Marcos, Calaocan, Tondod, at San Mauricio nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador matapos basbasan ang mga naturang sasakyan ni Rev. Fr. Getty Ferrer.

May dalawang bagong water tanker din ang lokal na pamahalaan at ambulansiya ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).