News »


Balagtasan Para sa Buwan ng Wika

Published: August 30, 2024 03:12 PM



BALAGTASAN PARA SA BUWAN NG WIKA

Buhay na buhay ang Wikang Filipino sa ginanap na Patimpalak sa Balagtasan nitong Martes (Agosto 27) sa munisipyo na may temang "Filipino o Ingles: Basehan sa estado ng buhay at intelektuwal na kapasidad ng isang indibidwal sa kasalukuyang lipunan".

Idinaos ito bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.

Ipinamalas ng mga mag-aaral mula 11 elementarya sa lungsod ang kani-kanilang mga orihinal na akda sa balagtasan at talastasan, kung saan itinanghal na kampeon ang grupo nina Czymon Abubo, Kian Clyde Demillo, at Gift Aslei Tonedo ng Habitat Elementary School.

Nakamit naman nina Giovann Edward Garcia, Naomie Patawaran, at Chrisanta Mae Caltong ng Golden Succes University (dating Elim School for Values and Excellence, Inc.) ang ikalawang puwesto; at ikatlo ang pambato ng St. Joseph School na sina Breseis Khaycielle Martinez, Neila Aieza Albano, at Princess Sofhia Tercenio.

Layunin ng naturang aktibidad na pinangunahan ng Aklatang Panlungsod na isulong ang wikang Filipino at hikayatin ang mga kabataang San Josenio na maipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng sining.

Nagsilbing hurado rito sina Retired Master Teacher II Liberty del Mundo, City Tourism Officer Darmo Escuadro, at City Information Officer Joseph Francisco.