News »


Gulayan sa Paaralan - San Jose West Central School at Calaocan Elementary School

Published: March 06, 2024 04:56 PM



Dalawa pang Gulayan sa Paaralan na proyekto ng lokal na pamahalaan ang naisakatuparan nitong Lunes (Marso 4) sa Calaocan Elementary at San Jose West Central School.

Pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang naturang proyekto, kung saan kasama niyang nagtanim ang ilang konsehal at mga mag-aaral doon.

Nauna nang inilunsad ang Gulayan sa Bakuran sa mga asosasyon ng Potable Water System o POWAS noong nakaraang taon.

Ayon kay Vice Ali, minarapat niyang palawigin ito sa mga paaralan para may pagkukunan ng masustansiyang pagkain.

Bukod dito, naituturo pa sa mga bata ang kahalagahan ng pagsasaka at pagtatanim na pangunahing kabuhayan sa lungsod.