POWAS Phase 2 - Brgy. Tabulac
Published: February 23, 2024 01:39 PM
Ngayong papalapit na ang tag-init, biyaya ang malinis na supply ng tubig sa mga kabahayan sa Brgy. Tabulac, kung saan pinasinayaan kahapon (Pebrero 22) ang ikalawang Potable Water System (POWAS) dito.
Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at mga opisyal at residente ng nasabing barangay.
Kasabay ng inagurasyon ang panunumpa sa katungkulan ni Joselito Gomez bilang tagapangulo ng naturang POWAS Phase 2, gayundin ang iba pang opisyal ng asosasyon na mamamahala nito.
Hiling ni Mayor Kokoy na ingatan at mahalin ang POWAS na ipinagkatiwala sa kanilang asosasyon para ito ay pangmatagalan na mapapakinabangan ng mga residente.
Nagpasalamat din ang Punong Lungsod kay dating Punong Barangay Rodrigo Dayap sa donasyong lupa na kinatatayuan ng naturang POWAS.
Sa kasalukuyan, umaagos ang malinis na tubig sa 72 kabahayan o pamilya roon.