News »


K Outreach sa Brgy. R. Rueda Sr.

Published: February 20, 2024 02:38 PM



Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ang mga libreng serbisyo at tulong sa mga taga-Brgy. Rafael Rueda Sr. ngayong araw (Pebrero 20), kasama ang Sangguniang Panlungsod at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Nakibahagi sa programa sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal ng lungsod, gayundin si Bokal Dindo Dysico at ilang opisyal ng naturang barangay.

Nakatanggap ang mga residente rito ng libreng konsultasyon at gamutan sa doktor, dentista, at beterinaryo; eye screening at reading glasses; pagrerehistro ng kapanganakan; bigas para sa Food for Work Program; punla ng puno at buto ng gulay; masusustansiyang pagkain at iodized salt; libreng gupit, masahe, manicure, at pedicure; hatid dunong at iba't ibang aktibidad para sa mga tsikiting; police clearance assistance; cedula; paggabay sa pagkuha ng PWD, senior citizen, at solo parent ID; bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa; at marami pang iba.

Susunod namang pupuntahan ng K Outreach ang Brgy. Abar 1st (Pabalan covered court) sa Biyernes, Pebrero 23.