News »


Tulong Pinansiyal para sa mga Indigent Senior Citizen na Edad 75-90

Published: July 31, 2024 12:40 PM



Ipinamahagi kahapon, Hulyo 30 ang tulong pinansiyal ng lokal na pamahalaan para sa mga indigent senior citizen sa lungsod na edad 75-90.

Alinsunod ito sa City Ordinance No. 19-056 para mabigyan ng ayuda ang mga lolo at lola rito na walang ibang natatanggap gaya ng pensiyon mula sa SSS, GSIS, DSWD Social Pension Program, at iba pa.

Kasama sa pamamahagi ng tulong sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador na nakipagkumustahan din sa mga dumalo sa naturang aktibidad na ginanap sa Pag-asa Sports Complex.

Iminumungkahi naman na makipag-ugnayan sa mga Senior Citizen Coordinator sa kanilang barangay o sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ang mga lolo at lola o kanilang kaanak ukol sa tulong na ito mula sa lokal na pamahalaan.