News »


National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) - 1st Quarter

Published: March 26, 2024 02:59 PM



Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong Lunes sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Katuwang dito ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Army, 2nd Provincial Mobile Force Company, at City Health Office (CHO).

Sinimulan ang nasabing drill nang tumunog ang sirena sa City Hall, kung saan nagsipag-'duck, cover, and hold' ang mga empleado sa kani-kanilang mga opisina at agarang nagsilikas patungo sa City Social Circle na itinakdang evacuation site.

Ipinakita rin sa drill ang pag-search and rescue at paglapat ng paunang lunas.

Bukod sa munisipyo, nagsagawa rin ng parehong aktibidad sa CHO compound, gayundin sa DepEd Schools Division Office.

Regular na isinasagawa ang NSED sa bansa bilang paghahanda at pagpapaala sa mga mamamayan ng mga dapat gawin para maging ligtas sa oras ng sakuna at kalamidad.