News »


K Outreach sa Brgy. Abar 1st

Published: February 23, 2024 04:57 PM



Dinala ng lokal na pamahalaan ang iba't ibang tulong at serbisyo nito sa Brgy. Abar 1st ngayong araw (Pebrero 23) sa ginanap na K Outreach Program sa Pabalan covered court.

Nakipagkumustahan din sa mga residente roon sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod at iba pang ahensiya.

Babalik sa susunod na Biyernes, Marso 1 sa Abar 1st ang K Outreach at isasagawa naman ito sa San Roque Street.