Bahay na gawa sa plastic bottles, sinimulan nang itayo
Published: February 22, 2024 06:30 PM
Inumpisahan na kahapon (Pebrero 21) ang konstruksiyon ng isang bahay na gawa sa eco-bricks o plastic bottles na siniksik ng plastic wastes na kinolekta ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Katuwang ng CENRO sa naturang Tiny House Project ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at Coca-Cola Foundation na sumagot sa iba pang construction materials, gayundin ang San Jose City Eagles Club na tumulong naman sa labor.
Naisakatuparan din ang proyekto sa tulong ng Sangguniang Barangay ng Sto. Niño 2nd kung saan itinatayo ang nasabing bahay na idinesenyo ng Central Luzon State University (CLSU) College of Engineering.
Malaki ang naitutulong ng eco bricks sa kalikasan dahil nakababawas ito sa basurang plastik na nakapagdudulot ng polusyon at napapakinabangan bilang alternatibong materyales sa iba't ibang construction projects gaya ng bahay, pader, at iba pa.
Ayon sa CENRO, halos tatlong libong eco bricks ang kanilang naipon para sa nasabing Tiny House Project.