News
News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija
Mga Barangay Tanod, nagsanay
Published: September 10, 2018 11:42 AM
Para sa maayos na pagpapatupad ng peace & order sa mga barangay, muling nagbigay ng pagsasanay ang PNP San Jose para sa mga Barangay Tanod na ginanap nitong Setyembre 6-7 sa 3rd Floor, City Hall Building.
10 San Josenio, tumanggap ng livelihood assistance
Published: September 07, 2018 09:18 AM
Mula sa pagbibitbit ng panindang isda, sampung San Josenio ang mapalad na tumanggap ng libreng fish cart tribike, dalawang piraso ng tig-16 liters na cooler, at timbangan kamakailan.
DOLE, nagbigay ng 200K para sa lungsod
Published: September 06, 2018 05:34 PM
Nakatanggap ang San Jose City Training Center ng dalawang daang libong piso mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang ayuda para sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II.
Grupo ng Mason at Hudikatura, wagi sa Bowling Tournament
Published: September 06, 2018 05:34 PM
Tinanghal na kampeon ang grupong SJC Masonic Lodge 309 and Judiciary matapos pataubin ang 17 grupo ng magagaling na bowlers sa lungsod na nagtagisan sa kauna-unahang Mayor Kokoy Salvador Bowling Tournament.
Bloodletting Activity, isinagawa sa lungsod
Published: September 04, 2018 09:05 AM
Nakiisa ang mga San Josenian at iba pang mga taga-karatig bayan sa isinagawang bloodletting activity ng City Health Office (CHO) katuwang ang PJG Memorial Research and Medical Center noong ika-28 ng Agosto.
K-Outreach Program sa Brgy. Bagong Sikat, Dinumog
Published: September 03, 2018 02:09 PM
Nagpaulan ng saya ang sikat at tinatangkiik na K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy.Bagong Sikat noong ika-17 ng Agosto, 2018.
Tatlong paaralan, nabigyan ng bagong TV
Published: August 31, 2018 08:49 AM
Mapalad na tumanggap ng tig-isang 50-inch LED TV ang Sto. Ni�o Ciriaco-Esteban Elementary School at Sto. Ni�o 2nd Elementary School noong Agosto 15.
City Day Babies, nakatanggap ng regalo mula sa LGU
Published: August 29, 2018 02:35 PM
Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang anim na sanggol na isinilang sa mismong araw ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day upang handugan ng regalo.
Lokal na Pamahalaan, pinarangalan ng PNP
Published: August 29, 2018 11:25 AM
Isa ang Punong Lungsod Kokoy Salvador sa ginawaran ng Nueva Ecija Police Provincial Office ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga programa ng nasabing ahensya lalo na pagsugpo sa droga.
5th Leg ONEnduro Run - 1st Mayor Kokoy Salvador Enduro Race
Published: August 29, 2018 12:10 PM
Nagpakitang-gilas sa bilis ng pagbibisikleta ang halos isang daang siklista mula Luzon, Visayas at Mindanao kasama ang Philippine National Team ng enduro/downhill noong Agosto 12.
Siyam na ambulansya, pormal nang tinanggap ng mga barangay
Published: August 29, 2018 12:08 PM
Kasabay ng nakaraang pagdiriwang ng 49th San Jose City Day ay binasbasan na rin ang siyam na ambulansya/ rescue vehicle na magbibigay ng serbisyo sa mga barangay Abar 1st, Abar 2nd, A. Pascual, Kaliwanagan, Kita-Kita, Manicla, Pinili, Porais, at Tondod.
F.E.Marcos at Calaocan, may mga bagong barangay hall
Published: August 28, 2018 12:17 PM
Pormal nang naigawad sa Barangay FE Marcos ang bago at maayos na barangay hall na sinimulang gawin noong Oktubre 2017.
Potable Water System sa Camanacsacan
Published: August 28, 2018 12:17 PM
Tuloy-tuloy ang pagtupad ng Lokal na Pamahalaan sa pangakong paghahatid ng malinis at naiinom na tubig sa mga lugar na hirap na marating nito.
Kauna-unahang Big Bike Invitational Ride sa San Jose, dinayo
Published: August 29, 2018 12:22 PM
Itinampok sa Lungsod San Jose sa kauna-unahang pagkakataon ang Big Bike Invitational Ride kung saan dumayo ang 19 na grupo na nagmula pa sa iba't ibang bayan mula Hilaga hanngang Timog Luzon.
16 paaralan sa lungsod, nagtunggali sa �Spoken Poetry� contest
Published: August 17, 2018 02:51 PM
�Isang lungsod na maipagmamalaki, mahal ko ang San Jose�
Mga Estudyante, nagpamalas ng husay sa pagsulat at pagpinta
Published: August 17, 2018 02:50 PM
Nagtagisan ang mga estudyante mula sa iba�t ibang paaralan sa lungsod sa larangan ng Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making, at Pintahusay noong Agosto 8, 2018 sa City Hall Building.
Lakas at bilis, tampok sa �Kariton Mo, Itulak Mo�
Published: August 17, 2018 02:50 PM
Nagkarera ang matitipunong rice miller workers, harvester operators, market porters at farmers sa lungsod na lumahok sa larong �Kariton Mo, Itulak Mo� na isinagawa nitong Agosto 10, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng 49th San Jose City Day.
Job Fair ng City Day, dinagsa
Published: August 14, 2018 03:39 PM
Mahigit walong daang aplikante (818) ang sumubok ng kapalaran sa isinagawang Job Fair nitong nakaraang Biyernes na ginanap sa San Jose West Central School Covered Court, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.
Symposium tungkol sa usaping pang-Kalusugan, matagumpay
Published: August 14, 2018 03:39 PM
Idinaos ang �Symposium on Health Programs, Turn-Over and Ribbon-Cutting of New Health Facilities and Awarding of Health Workers� noong Sabado, Agosto 11, sa PAG-ASA Sports Complex bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.
Makukulay na payong at iba�t ibang aktibidad, tampok sa City Day
Published: August 14, 2018 03:56 PM
Bagama�t makulimlim ang panahon na nagkaroon pa ng manaka-nakang pag-ambon, hindi nagpapigil ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, mga opisyal ng lungsod at iba�t ibang barangay, NGOs, DepEd, samahan ng mga Senior Citizen, at mga kabataan na masiglang nakilahok sa pagdiriwang ng ika-49 San Jose City Day sa pagparada mula City Social Circle hanggang PAG-ASA Sports Complex gamit ang makukulay na payong.
Potable Water System sa Barangay Kaliwanagan
Published: August 29, 2018 02:41 PM
Isa na namang Potable Water System (POWAS) na maghahatid ng malinis na tubig sa mga residenteng hindi nararating ng linya ng Water District ang pinasinayaan noong Hulyo 7 sa Barangay Kaliwanagan.
Dalawang kooperatiba, nakapagseminar nang libre sa DAR
Published: August 14, 2018 03:56 PM
Sumalang sa libreng training and seminar ang 45 miyembro at opisyal ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative at Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative sa lungsod sa ilalim ng Department of Agrarian Reform (DAR) at CLSU Training of Trainers for CDA Accredited Training Providers.
Outstanding BNS at BNC sa lungsod, kinilala
Published: August 14, 2018 03:56 PM
Pinarangalan kamakailan ang mga natatanging Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Nutrition Committee (BNC) sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon nitong Hulyo.
Day Care Parents, nagpagalingan sa Cooking Contest
Published: August 14, 2018 03:57 PM
Nagpagalingan at nagpasarapan ng luto ang grupo ng mga magulang mula sa iba�t ibang Day Care Centers sa lungsod sa idinaos na Cooking Contest noong Hulyo 30 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi ng 44th Nutrition Month Celebration.
BDO sa Walter Mart, bukas na
Published: August 14, 2018 03:57 PM
Senyales na tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng Lungsod San Jose, isa na namang bangko ang binuksan kahapon, Hulyo 31.
Barangay A. Pascual, may Potable Water System na rin
Published: August 14, 2018 03:57 PM
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa mga mamamayan ng San Jose lalo na sa mga lugar na hirap sa tubig.
K-Outreach Program sa Brgy. Villa Marina, Dinagsa
Published: August 14, 2018 03:57 PM
Matagumpay na naisagawa ang sikat at tinatangkiik na K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Villa Marina ngayong araw Hulyo 27.
Walter Mart-San Jose City, bukas na!
Published: August 14, 2018 04:19 PM
Pormal nang binuksan ang Walter Mart sa Lungsod San Jose ngayong ika-26 ng Hulyo 2018. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking shopping center sa lungsod at siya ring may kauna-unahang escalator sa mga pamilihan dito.
Brgy. Kita-Kita, dinayo ng K-Outreach Program
Published: August 14, 2018 04:20 PM
Bagama�t abala ang Lokal na Pamahalaan nitong nakaraang linggo sa paghahanda sa ulang dulot ng Habagat, wala pa rin itong tigil sa paghahatid ng mga libreng serbisyo para sa mga mamamayan ng San Jose sa pamamagitan ng K-Outreach Program.
UPDATE: Sibut Bridge, Muling Binuksan para sa Light Vehicles
Published: August 14, 2018 04:20 PM
Muling binuksan ang Sibut Bridge para sa magagaan na sasakyan (motorsiklo, tricycle, kotse, at iba pang light vehicles) matapos ang assessment na ginawa ng City Engineering sa kalagayan nito.
Relief Operations sa mga apektadong lugar
Published: August 14, 2018 04:20 PM
Sinimulan noong Lunes at nagpatuloy ngayong araw ang relief operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng flash flood na dulot ng Habagat.
Epekto ng Habagat sa Lungsod
Published: August 14, 2018 04:20 PM
Sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan sanhi ng Habagat at sunod-sunod na Low Pressure Area/ Tropical Depression, hindi rin nakaligtas sa pagbaha ang ilang mabababang lugar sa lungsod.
19 PWD, nagtapos sa Hatid-Dunong Program
Published: August 14, 2018 04:20 PM
Kasabay ng pagdiriwang ng NDPR week, tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos ang 19 persons with disability (PWD) sa lungsod mula sa programang Hatid-Dunong ng Lokal na Pamahalaan.
PWDs, nagpamalas ng galing sa NDPR Week Celebration
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Ipinamalas ng mga Persons with Disability (PWD) ang kanilang mga talento at kakayahan sa pagdiriwang ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang �Kasanayan at Kakayahan para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran.�
PWDs, nagpamalas ng galing sa NDPR Week Celebration
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Ipinamalas ng mga Persons with Disability (PWD) ang kanilang mga talento at kakayahan sa pagdiriwang ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang �Kasanayan at Kakayahan para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran.�
Kapitan Brillo ng Kaliwanagan, bagong ABC President
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Wagi sa botong 23 ang Kapitan ng Kaliwanagan na si Roderick Brillo bilang bagong Pangulo ng �Association of Barangay Captains� sa lungsod kontra sa 15 boto ni kapitan Wilfredo Escudero ng Sto. Ni�o 3rd.
Libreng artificial legs at leg braces, inihandog sa mga PWD
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagtulong sa mga kapatid nating Persons With Disability (PWD) para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Brgy. Tondod, dinayo ng K Outreach Program
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Dinagsa ng mga residente ng Brgy. Tondod ang K Outreach Program sa kanilang barangay nitong nakaraang Biyernes (Hulyo 13), kung saan naghatid ang Lokal na Pamahalaan ng mga libreng serbisyo para sa mamamayan.
Responsableng Pagpapamilya, patuloy na isinusulong sa lungsod
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Para sa mas maigting na kampanya ukol sa family planning sa lungsod, patuloy pa rin ang mga programa ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapatupad ng mga aktibidad patungkol sa responsableng pagpapamilya.
Tamang pag-aalaga at pagpaparami ng kuneho, pinag-aralan
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Isang seminar ang isinagawa nitong Miyerkules, Hulyo 11, tungkol sa pag-aalaga ng kuneho ng Jabez Marketing Cooperative sa pangunguna ni George Natividad.
Kauna-unahang GAD seminar para sa mga kooperatiba isinagawa
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Mahigit kumulang 100 katao mula sa 20 kooperatiba ng lungsod ang dumalo sa naganap na kauna-unahang Gender & Development Seminar para sa mga kooperatiba nitong July 6.
K Outreach Program, dinagsa sa Brgy. Tayabo
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Dinumog ng mga residente ng Brgy. Tayabo ang pagbaba ng mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach program noong Hulyo 6.
Coop Leaders sa lungsod, bubuo ng unyon
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Muling nagsama- sama sa ikatlong pagkakataon ang mga lider at kinatawan ng 16 kooperatiba sa lungsod nitong Hulyo 3 upang pag - usapan ang pagbubuo ng unyon.
Inawgurasyon ng Computer Lab sa Porais High School
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Binasbasan at pormal nang binuksan nitong umaga, July 6, ang Computer Laboratory Building sa Porais High School.
Financial assistance sa LGU scholars, ibinigay na
Published: August 14, 2018 04:21 PM
Ipinamahagi na sa 100 estudyanteng napiling Iskolar ng Lungsod ang financial assistance mula sa Lokal na Pamahalaan noong Hunyo 28 sa City Hall Conference Room.
Brgy. San Mauricio, dinayo ng K Outreach Program
Published: August 14, 2018 04:22 PM
Dahil sa walang patid na suporta at malasakit ng Lokal na Pamahalaan para sa mamamayan ng Bagong San Jose, tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga libreng serbisyo sa pamamagitan ng K Outreach Program na dumayo sa Brgy. San Mauricio nitong Hunyo 22.
Panunumpa ng mga Bagong Punong Barangay
Published: August 14, 2018 04:24 PM
Nanumpa noong Hunyo 29 ang mga bagong halal na kapitan mula sa iba�t ibang barangay sa lungsod sa isang �oath-taking ceremony� na pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador sa PAG-ASA Sports Complex.
Abar 2nd, may POWAS na rin
Published: August 14, 2018 04:25 PM
Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay aksyon sa mga kahilingan ng mga San Josenians.
Mga bagong rescue vehicles, handa nang mag-serbisyo
Published: August 14, 2018 04:26 PM
Para sa mas mabilis at maayos na serbisyo para sa mga San Josenio, bumili ng pitong bagong rescue vehicles para sa mga barangay sa lungsod ang Lokal na Pamahalaan.
Tondod, may Potable Water Sytem na rin
Published: August 14, 2018 04:26 PM
Patuloy na umaarangkada ang proyketong Potable Water System ng Lokal na Pamahalaan.