News »


K-Outreach sa Sto. Nino 3rd

Published: January 08, 2019 04:48 PM



Kasisimula pa lamang ng Bagong Taon, umarangkada na agad Lokal na Pamahalaan sa paglilingkod sa mga mamamayang naninirahan sa malalayong lugar sa pamamagitan ng K-Outreach Program na dumayo sa Brgy. Sto Nino 3rd nitong Lunes, ika-7 ng Enero.

Dumating ang iba’t ibang ahensya ng Lokal na Pamahalaan sa nabanggit na barangay upang magbigay ng samut-saring serbisyo gaya ng libreng konsultasyong medikal at dental, pagbibigay ng mga payong-legal, pamumudmod ng mga salamin sa mata, bigas, groceries at seedlings, pagbabakuna sa mga alagang aso, pagrerehistro, pag-agapay sa mga senior citizens, pagbibigay ng mga gamot, bitamina at contraceptives, at marami pang iba.

Upang mas pasayahin ang programa, dumating si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at ilang mga opisyales ng Sangguniang panglungsod. Nagbigay ang bawat isa ng kani-kaniyang mensahe na karaniwang napapatungkol sa tuloy-tuloy na pag-asenso sa lungsod at walang tigil na paglilingkod sa mga mamamayan.

Nagsalo-salo naman ang lahat sa isang boodle fight bago matapos ang pagtitipon. Lubos naman ang pagsuportang ipinakita ni kapitan Wilfredo S. Escudero at ng kaniyang mga kagawad.

(Ramil D. Rosete)