News »


Potable Water System sa Barangay Kaliwanagan

Published: August 09, 2018 05:05 PM



Isa na namang Potable Water System (POWAS) na maghahatid ng malinis na tubig sa mga residenteng hindi nararating ng linya ng Water District ang pinasinayaan noong Hulyo 7 sa Barangay Kaliwanagan.

Personal na nagtungo sa lugar si Punong Lungsod Kokoy Salvador upang pormal na isagawa ang hand-over ng POWAS kasama ang mga opisyal ng barangay, ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan at mga residente ng komunidad.

Ang programang Potable Water System ay ilan lamang sa mga adbokasiya ni Mayor Kokoy para matulungang mapagaan at mapa-unlad ang pamumuhay ng mga San Josenians.

Sa kasalukuyan, nakapagtayo na ng siyam na POWAS sa iba’t ibang lugar. Bago ang Brgy. Kaliwanagan ay nauna na ang Barangay A. Pascual; Sitio Pakak, Abar 2nd; Sitio San Raymundo, Tondod; Villa Joson; Habitat Village, Sto. Niño 3rd; Villa Marina; Kita-Kita; at Tayabo.

Sa kanyang ulat sa bayan noong buwan ng Marso, inilahad ng Punong Lungsod na pagsisikapang maitayo sa taong ito ang 25 POWAS sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Asahan naman ang patuloy na paghahatid ng proyektong ito sa iba’t iba pang barangay sa lungsod.