Ospital ng Lungsod ng San Jose, dumaan na sa inspeksyon ng DOH
Published: February 14, 2019 05:24 PM
Dumating sa lungsod nitong umaga, ika-14 ng Pebrero ang mga kinatawan ng Department of Health upang magsagawa ng inspeksyon sa Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) na malapit nang buksan para sa publiko.
Handang-handa na ang mga pasilidad at tauhan ng ospital subali't kailangan ng clearance mula sa Department of Health bago ito magbukas.
Ang ospital ay unang pinlano bilang "infirmary" lamang, ngunit sa pagtutok ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ng Punong Lungsod Kokoy Salvador, ito ay isinulong upang maging Level 1, 25-bed hospital.
Inaasahang makapagdudulot ng mainam na pampublikong serbisyong medikal ang Ospital ng Lungsod ng San Jose kapag ito ay tuluyan nang nagbukas.
Ang OLSJ ay matatagpuan sa loob ng Sentro ng Kalinga (City Health Office compound) sa Pascual Street.