Oral Health Month Activities
Published: February 13, 2019 04:41 PM
Ipinagdiriwang ngayong buwan ang National Oral Health Month kaya nitong Lunes (Pebrero 11), sinimulan na ng City Health Office (CHO) - Dental Division ang pag-iikot sa mga paaralan para magbigay ng libreng serbisyo.
Unang pinuntahan ng mga dentista sa pangunguna ni Dr. Ronaldo Valencia Jr. at ilang kawani ng CHO ang San Jose West Central School at isinagawa roon ang programa na may temang “Ngipin na malusog at ProtektaDOH, Masaya at Maningning na Ngiti ang Hatid sa Mundo”.
Mahigit 300 estudyante ang nabigyan ng serbisyo tulad ng dental check-up, paglagay ng fluoride at pit and fissure sealant applications sa ngipin. Nagsagawa rin ng toothbrushing drills at oral health education.
Dagdag pa rito, nakatanggap ng libreng essential health care package ang mga bata na naglalaman ng toothbrush, toothpaste, bib, soap, at cup.
Ikinampanya rin dito ng CHO ang Republic Act 9484 o ang batas laban sa illegal practice of dentistry.
Patuloy na magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng nabanggit na programa at lilibot ang CHO sa iba pang eskwelahan at barangay.