Bagong Sports Activity Center, pinasinayaan
Published: January 25, 2019 03:45 PM
Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong Sports Activity Center sa lungsod na matatagpuan sa tabi ng Pag-asa Sports Complex (likod ng Magic Mall 2), Brgy. F.E. Marcos.
Isinagawa kaninang umaga, Enero 25 ang pagbabasbas sa naturang gusali sa pangunguna ni Rev. Fr. Redentor Asuncion Jr. at ribbon-cutting ceremony na pinangunahan naman ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ipinasa naman ng Punong Lungsod ang Certificate of Occupancy kay Sports Development Office-OIC Randy Macadangdang na siyang mangangasiwa sa bagong gusali.
Ayon kay Mayor Kokoy, sana ay makatulong ang Sports Activity Center upang lalong humusay sa sports ang mga kabataan na siyang makikinabang dito. Hiniling din ng Punong Lungsod na ito ay magamit nang tama.
Bukod sa badminton court at mga kagamitan para dito, mayroon ding table tennis at iba pang sports equipment na magagamit. May inilagay ring bagong electronic scoreboard para sa basketball at shot clock sa Pag-asa Gym.
Umaasa naman si G. Randy Macadangdang na mas mag-e-excel ang mga atleta natin sa badminton at table tennis na doon na nag-eensayo ngayon para sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2019.
Nagpasalamat din si Mayor Kokoy sa Sangguniang Panlungsod na laging sumusuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.
(Jemimah Rivera, Katherine Esteban, Jessalyn Soriano)