OPLAN KALINISAN, sinusuyod ang iba't ibang lugar
Published: February 28, 2019 05:29 PM
Tuloy pa rin ang pag-arangkada ng OPLAN KALINISAN na bahagi ng adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador para sa malinis at kaaya-ayang Lungsod ng San Jose.
Iba't ibang lugar na residensiyal ang sinusuyod nito at kamakailan ay ang Curamen Subdivision, Josephine Village, Rufina Homes 2, Sitio Francisco (Malasin), Encarnacion Subdivision, at Villa Ramos naman ang dinayo ng Oplan upang linisin.
Sa ginagawang paglilinis, umaasa ang Punong Lungsod na ma-inspire ang mga residente ng lugar na makibahagi sa ganitong programa ng Lokal na Pamahalaan at panatilihin nilang malinis ang kanilang kapaligiran.