K-Outreach sa Brgy. Villa Floresta, binagyo ng biyaya
Published: September 24, 2018 05:27 PM
Hindi naging hadlang ang layo ng Villa Floresta upang handugan sila ng Lokal na Pamahalaan ng serbisyo-publiko. Isinagawa noong Biyernes, ika-21 ng Setyembre ang pinakaaabangang K-Outreach Program sa covered court ng barangay.
Naghatid ng sari-saring serbisyo ang mga sangay ng Lokal na Pamahalaan kagaya ng pamimigay ng mga gamot at check-up, bunot ng ngipin, legal counselling, pag-asiste sa mga senior citizens, feeding program, pagbibigay ng buhangin at pagpapahiram ng heavy equipment, pamumudmod ng seedlings, family planning, pag-aanunsyo ng job hiring, pagrerehistro, gupit at masahe, at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay libre.
Tampok na panauhin sa okasyon si Mayor Kokoy Salvador kasama ang ilang opisyales ng lungsod. Nagbigay rin sila ng kanilang mga mensahe at naghandog ng kasiyahan sa mga dumalo.
Masayang nagsalo-salo ang mga bisita, opisyales ng barangay, at mga mamamayan sa masayang boodle fight.
Magiliw namang tinanggap ni Kapitan Antonio M. Bartolome ang buong caravan ng K-Outreach sa kanilang barangay.
(Ramil D. Rosete)