News »


Ten Outstanding Women ng San Jose, pinarangalan

Published: April 01, 2019 04:57 PM



Bilang pagkilala sa mga kahanga-hangang kontribusyon at mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa lungsod, pumili ang Pamahalaang Lokal ng 10 natatanging kababaihan na nakapag-ambag ng karangalan at nagpamalas ng mahusay na paglilingkod sa lipunan.

Idinaos ang paggawad ng Certificate of Recognition para sa Ten Outstanding Women of San Jose City (TOWS) nitong ika-28 ng Marso sa Hotel Francesco kung saan kinilala ang mga sumusunod na kababaihan sa iba’t ibang larangan:

Agriculture - Ms. Doris L. Fania
Business - Ms. Erlinda S. Mendoza
Education - Dr. Marina C. Soliven
Public Service - SFO3 Elmira V. Subaba
Community Development - Ms. Mona Liza V. Jardinero
Health - Ms. Elizabeth T. Castillo
Small & Medium Enterprise - Ms. Emma F. Miranda
Law & Order - SPO3 Melissa M. Eusebio
Arts, Culture & Sports - Ms. Rowena G. Bumanlag
Labor/Labor Workers - Ms. Mercedita J. Baring

Dumaan sa masusing screening ang mga isinumiteng nominasyon sa pagpili ng kauna-unahang TOWS na pinarangalan ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa screening committee sina Kgg. Gloria P. Munar, Sangguniang Panlungsod Chairman of Committee on Women & Family; Celestino P. Pobre; Susan D. Soria; at Monette Sta. Romana.
Pinangunahan nina Congw. Mikki Violago at Mayor Kokoy Salvador ang paggawad ng parangal. Dumalo rin si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, ilang City Councilors, at kinatawan ng iba’t ibang ahensiya.

Isinagawa ang naturang programa kasabay ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan (Women’s Month) ngayong Marso.