Pinagpalang gabi ng pasasalamat, ginanap
Published: April 25, 2019 05:07 AM
Nagsama-sama ang halos 1,200 miyembro ng iba’t ibang Born-Again Christian Churches na kasama sa San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) para sa Gabi ng Pasasalamat na idinaos nitong Abril 23 sa City Social Circle.
Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2019 at pagpupugay sa mga pagpapalang natamo ng lungsod.
Pinangunahan ni Pastor Wiliam Iglesias, Presidente ng SJCPM ang programa sa isang panalangin.
Bukod sa mga praise and worship team ng bawat simbahan, dumalo rin dito ang Malayang Pilipino Group na espesyal na panauhin.
Isang magandang mensahe ang ibinigay ni Pastor Arnel Cadelina ng naturang grupo. Aniya, dapat ipanalangin ng bawat isa ang bansang Pilipinas bunsod ng sunod-sunod na lindol nitong mga nakaraang araw. Hinamon niya ang bawat isa na naroon na ipakita ang disiplina bilang mga born-again na dapat panatilihin ang kalinisan sa lugar.
Naroon din upang bumati at sumuporta sa programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang kasama ang ilang konsehal.
Ipinagdasal din ang mga opisyales ng lungsod at nanalangin ng kapayapaan sa darating na halalan.