K-Outreach Program sa Brgy. Villa Marina, Dinagsa
Published: July 30, 2018 12:46 PM
Matagumpay na naisagawa ang sikat at tinatangkiik na K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Villa Marina ngayong araw Hulyo 27.
Nagpa-abot ng mensahe ang Punong Lungsod na lubos syang nagagalak at patuloy na aagapay sa lahat ng programa sa naturang barangay. Nangako siya na maigting pa niyang palalawigin ang pag-aabot ng mga serbisyo-publikong tiyak na mapapakinabangan ng ating mga kababayan. Binigyang-diin din niya ang masidhing pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan sa ating mga mamamayan.
Dumagsa ang maraming tao upang tumanggap ng iba’t-ibang serbisyo at tulong mula sa mga pangunahing sangay ng ating Lokal Na Pamahalaan. Ilan sa mga pangunahing serbisyong naibagahi sa mga nakiisang mamamayan ay ang pagbibigay ng gamot, check-up sa may mga diabetes at hypertension, pamamahagi ng contraceptives at pagpapayo ukol sa family planning, pagbibigay ng seedlings ng sari-saring puno at pananim; physical therapy at gupit; pakaing handog ng Kusina Ng Bayan; pamumudmod ng mga reading glasses, bigas at groceries; serbisyo legal; pagpoproseso ng mga mahahalagang dokumento gaya ng cedula at birth/marriage certificates at lisensya; tulong patungkol sa employment, paggabay sa senior citizens at Persons With Disability; pagsusuri sa mga sanggol at mga bata; dental services; at pagbibigay impormasyon tungkol sa pabahay.
Naging tampok sa pagtitipon ang makatawag-pansin na "twerk" ng mga opisyales na nagbigay-daan sa malalakas na palakpakan at kantiyawan. Nagbigay talumpati si Vice Mayor Glenda Macadangdang_Felimon, mga Kagawad Trixie Salvador, Ryan Nino Laureta, Atty. Ronald Lee Hortaleza, Victoria Adawag at Roy Andres. Lubos naman ang ipinakitang pagsuporta ni Kapitan Herber Cariaga.
Pinasaya pa lalo ang aktibidad nang bigyang-ganap ang masayang boodle fight. Mapapansing lubos ang kasiyahan ng karamihan at makikita ang marubdob na pakikiisa ng mga dumalo.
Susunod na isasagawa ang K-Outreach Program sa Barangay Abar 2nd.
(Ramil D. Rosete)