Earthquake Drill, Ginanap sa Lungsod
Published: February 21, 2019 04:52 PM
Sanib puwersa ang Bureau of Fire Protection (BFP), PNP, Philippine Army, Makisig Rescue 3121, Public Order and Safety Office, Ospital ng Lungsod San Jose at City Health Office sa 2019 First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa kaninang umaga sa Agribank, Maharlika Highway.
Itinuro sa mga kalahok ang mga dapat gawin kung sakaling magkaroon ng lindol tulad ng duck, cover at hold.
Ang pagtunog ng alarma ay hudyat na ng pagsisimula ng drill kung saan aktibong nakilahok ang mga empleado ng Agribank at munisipyo.
Nagsilbi namang Command Post ang City Social Circle at dito itinuloy ang animo’y pagresponde sa mga biktima at paglapat ng paunang lunas.
Layunin ng naturang pagsasanay na mabigyan ng malawak na kaalaman at kakayahan ang bawat isa upang maging handa sa mga sakuna.