K-Outreach, naghatid-serbisyo sa Tanibong, Abar 1st at R. Rueda
Published: November 13, 2018 05:15 PM
Muli na namang nagpakitang-gilas ang K-Outreach Program nang magkasunod nitong dayuhin ang Zuniega’s Open Court sa Sitio Tanibong, Brgy. Abar 1st at covered court ng Brgy. Rafael Rueda noong nakaraang linggo.
Nagbigay ng mga libreng serbisyo ang iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan mula tulong-medikal, legal, at marami pang iba. Nagpamudmod din sila ng mga bigas, seedlings at mga gamot. Pinasaya rin nila ang napakaraming bata sa pamamagitan ng feeding program.
Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Macadangdang-Felimon kasama ang mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod ang mga ginanap na programa.
Masaya namang nagsalo-salo ang lahat para sa isang boodle fight pagkayaring maibigay ang mga serbisyo sa mga mamamayan.