Kick-off ceremony para sa CLRAA Meet 2019, isinagawa
Published: January 22, 2019 04:06 PM
Nagdaos ng programa nitong umaga (Enero 22) sa San Jose City National High School Gym bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na gaganapin sa darating na Pebrero 3-8 sa Iba, Zambales.
Bukod sa ilang paalala at tagubilin mula kay Exlan W. Timbol, Athletic Manager ng Division of San Jose City para sa mga kasaling atleta, isang magandang balita ang inanunsiyo sa mga delegado ukol sa maaari nilang matanggap na insentibo mula sa naturang sports event.
Tatanggap ng insentibong limang libong piso ang atletang makapag-uuwi ng gintong medalya, tatlong libong piso para sa silver medalist, at isang libo at limang daang piso para sa bronze medalist.
Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador, kasama sina Vice Mayor Glenda F. Macadangdang at ilang konsehal para magpahayag ng suporta at magbigay inspirasyon sa mga kabataang kalahok sa CLRAA Meet.
Naroon din sina San Jose City National High School Principal Vilma Nuņez (Junior High) at Aldrin Baloc (Senior High) para magbigay ng suporta.
Kaugnay nito, pagkatapos ng programa ay tumanggap ang bawat atleta ng allowance para sa kanilang pakikipagpaligsahan sa CLRAA Meet.