Masayang salo-salo, tampok sa unang araw ng Pagibang Damara 2019
Published: April 24, 2019 05:36 AM
Masarap na agahan ang pinagsaluhan ng mga San Josenian sa isang boodle fight na inihanda ng Lokal na Pamahalaan para sa unang araw ng Pagibang Damara Festival 2019 kahapon, Abril 23.
Bagamat kanselado ang pasok bunsod ng nangyaring lindol noong Lunes, tuloy ang selebrasyon at aktibong nakilahok ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor sa “Masayang Salo-salo para sa Pinagpalang Ani” na idinaos sa Keg-Keg (City Social Circle).
Isang mainit na pagbati ang inihandog ni Mayor Kokoy Salvador bilang panimula ng programa. Hinikayat niya ang lahat na magsama-sama sa pagdiriwang ng pista ng pasasalamat para sa magandang ani ng lungsod.
Aniya, “Sana po ‘yong saya at sigla ng Lungsod ng San Jose ay manatili sa ‘tin at mairaos natin nang masaya at mapayapa.”
Ang Pagibang Damara Festival 2019 ay magtatapos sa araw ng Linggo, Abril 28.
Ibinahagi rin ni Mayor Kokoy ang naging mensahe ni Rev. Fr. Getty Ferrer tungkol sa laging pagpapasalamat sa nakakamtang biyaya, malaki man o maliit, sa ginanap na Thanksgiving Mass sa St. Joseph Cathedral kahapon bago ang boodle fight.
Bumati rin sa programa si Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at sinabing sana ay mag-enjoy ang lahat sa masayang salo-salo. Lumahok din sa programa ang mga Konsehal ng bayan para magbigay suporta.
Matapos ang ceremonial scoop of rice sa higanteng palayok na pinangunahan ng Punong Lungsod, sama-sama nang nag-almusal ang mga dumalo kabilang ang kaniyang pamilya.
Kasunod nito, pormal na ring nagbukas ang Agro-Trade Fair na matatagpuan rin malapit sa bantayog ni Jose Rizal sa City Social Circle.
Ilan lamang ang mga ito sa tampok na aktibidad sa unang araw ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Sa unang gabi ng kapistahan, ginanap naman sa PAG-ASA Sports Complex ang SK Night Invitational Dance Competition at sa City Social Circle ang Gabi ng Pasasalamat.
Isa sa mga tampok na aktibidad naman ngayong Miyerkules ang pinaka-aabangang Bubble Run at Rave Party.