Operation Timbang, sinimulan na sa mga barangay
Published: January 24, 2019 03:35 PM
Sinimulan na ang Operation Timbang sa mga barangay nitong Martes (Enero 22) sa pangunguna ng City Nutrition Office, City Population, at City Health Office, katuwang ang mga Barangay Health Worker upang matutukan ang kalusugan ng mga bata.
Nito lamang nakaraang dalawang araw, apat na barangay agad ang dinayo ng Operation Timbang – kabilang dito ang Sto. Niño 1st, Sto. Niño 2nd, Sto. Tomas, at Caanawan.
Bukod sa pagtitimbang ng mga sanggol hanggang sa mga batang edad 71 buwan, nagbibigay rin sila ng mga pagkain sa mga bata at buntis.
Isa rin sa adhikain ng Operation Timbang ang masigurong malusog ang mga nagpapasusong ina para lumaki nang malusog ang kanilang mga supling.
Gumagawa rin ng survey ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na dumarayo sa mga barangay para malaman ang kalagayan ng mga pamilya.
Marami pang mga barangay ang nakatakdang puntahan ng Operation Timbang sa mga susunod na araw.
(Jessalyn Soriano, Katherine Esteban, Ramil Rosete)